Chapter 6 (Maxrill)

650 11 0
                                    

Maxrill feel be like

Pagkarating ko galing sa Palawan,
Ay agad ko naman s'yang pinuntahan,
Pagkakita sa akin, halatang s'ya'y nagulat,
Sa 'kin nakatuon ang paningin ng lahat.

Subalit sa kanya lang ako nakatingin,
Hindi n'ya inasahan ang aking gagawin,
Hinalikan ko ang malambot n'yang buhok,
Sa pagkain ng cake, ako'y kanyang inalok.

Makalipas ang sandali ay nilapitan ko ulit s'ya,
Paglabas na kaming dalawa lang, s'ya'y aking niyaya,
Ang sagot n'ya, may duty s'ya sa ospital kinabukasan,
Sabi ko ihahatid ko na lang s'ya sa kanyang pinagtratrabuhan.

Nagtatampo s'ya dahil di ko na s'ya tinatawag na noona,
Sagot ko gusto ko ang pagtawag ko sa kanya ay iba na,
Di ko na raw s'ya, ginagalang bilang isang ate,
Seryosong sagot ko ay ginagalang ko s'ya bilang babae.

Sabi n'ya sa akin, di ba raw ako abala sa aking inaasikaso,
Sagot ko sa kanya, para sa kanya ay may oras ako,
Ayos na sana, at s'ya dapat ay akin nang ihahatid,
Subalit natigilan kami, nang makita namin ang panganay kong kapatid.

Dedicated Poems for Love without limits by: MaxinejijiDonde viven las historias. Descúbrelo ahora