Chapter 5 (Yaz)

329 3 0
                                    

Yaz feel be like

Hanggang ngayon kami ay nandito,
Dito sa tapat ng kanyang kuwarto,
Sabi ko baka umuwi na lang ako,
Sagot naman n'ya ihahatid pa n'ya ko.

Segunda ko sa guest room na lang ako,
Doon na lang daw sa kanyang kuwarto,
Kanina pa sa inaasta n'ya ako'y nalilito,
Pinapaasa na naman ba n'ya ko.

Hanggang sa binuksan na n'ya ang pinto,
Hawak n'ya ang kamay ko at pumasok na kami ng kuwarto,
Iginala ko na lang ang mga mata ko,
Nasa likuran ko lang s'ya, kaya nagulat ako.

Pinagmasdan ko ang mga koleksyon n'yang relo,
Pinakapaborito n'ya raw ang bigay ng kanyang lolo,
Maging stay single raw ako pag s'ya'y malayo,
Akala ko nagbibiro s'ya pero seryoso ang kanyang anyo.

Nang maalala ko na aalis s'ya at pupuntang Palawan,
Nalungkot ako dahil ako'y muling maiiwan,
Sabi n'ya tabi na lang kami sa kanyang higaan,
Kinabahan ako kaya naman mabilis ko s'yang iniwanan.

May kumatok sa guestroom kaya nagtaka ako,
Mas nagtaka ako nang si Maxrill ang nakita ko,
Inaalok ako ng soup dahil daw s'ya ay nagluto,
Hanggang sa makita ko si Maxwell ay nandito.

Magkakasunod kaming bumaba ng hagdan,
Ano ba nangyayari sa kanila 'di ko maintindihan,
Pati pagkain ko ay kanilang binabantayan,
Si Maxwell pinagkainan ko nagawang hugasan.

Hinatid ako ni Maxrill sa kuwarto,
Sa kinikilos n'ya ako ay nalilito,
Makalipas ang ilang minuto,
Bumukas ang pinto si Maxwell ay nandito.

Hindi pala s'ya lumabas at ito sa akin ay nakatingin,
Hanggang sa naglapat na ang mga labi namin,
Nadala na ko ng bugso ng aking damdamin,
Hanggang sa tuluyan nang may namagitan sa amin.

Kinabukasan akala ko nananaginip ako,
Pero nandito nga s'ya sa tabi ko,
Nagawa n'ya pa kong ipagluto,
Sana nga sa akin  lagi s'yang ganito.

Heto sa Airport, tahimik lang ako,
Sabi ni Maxrill ingatan ko ang sarili ko,
Sa mga sinabi n'ya sa akin, ako'y napapahinto,
Hindi na babalik ang dating Maxrill sabi nito.



Dedicated Poems for Love without limits by: MaxinejijiOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz