Chapter 3 (Maxrill)

155 0 0
                                    

Maxrill feel be like

Nahuli ako nang dating,
Mga paningin nila ay sa akin napabaling,
Nag-usap kami ng aking kuya,
Hindi s'ya ganado kapag walang kakompetensya.

Sabi ko sa kanila wala kong ganang kumain,
Natigilan ako nang ako'y kanyang tanungin,
Sa akin ba ay nag-aalala s'ya,
Makakain daw ako'y ikukuha n'ya.

Pinausog ko silang lahat sa kanilang upuan,
Dahil s'ya ay gusto kong tabihan,
Nang bumalik s'ya noo ko ay kanyang sinalat,
Hindi ko inaasahan kaya ako'y bahagyang nagulat.

Habang kumakain kami may tumawag sa akin,
Nagpaalam ako sa kanya na aking sasagutin,
Pagbalik ko ay inaaya ko s'yang magsayaw,
Biro pa n'ya hindi raw ako sumasayaw.

Hinawakan ko ang kamay n'ya,
Uminom muna ako kasama s'ya,
Matapos ay s'ya'y sinayaw ko,
Nahalata n'ya yata na malungkot ako.

Hindi na namin tinapos ang sayaw namin,
Kaya nagpunta kami kung nasaan ang claw machine,
Kaso hindi namin inaasahan na nandon si kuya,
Sa aming magkapatid halatang naguguluhan s'ya.

Nang makakuha ako ng laruan binigay ko sa kanya,
Bago ako lumayo hinawakan ko ang mukha n'ya,
Nagpasalamat ako at s'ya naman natigilan,
Sila ni kuya ay akin nang iniwanan.

Gusto ko sana s'yang ihatid,
Hindi ako pinayagan ng aking kapatid,
Ayaw ako payagan ni Maxpein,
Sabi pa ay matulog ako sa mansion namin.

Dedicated Poems for Love without limits by: MaxinejijiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon