Yaz feel be like
Pinuntahan at kinamusta n'ya si Pein,
Nahalata ko may gusto s'ya kay Dein,
Sinundan ko s'ya sa kanyang kuwarto,
Balak pa n'ya kong pagsarhan ng pinto.Napakasungit naman n'ya,
Guwapo pa naman s'ya,
Pinapalabas na n'ya ko,
Pero nagmatigas ako.Sabi n'ya ay pangit daw ako,
Ang sabihin ito sa pagmumukha ko,
Ay hindi naman n'ya magawa gawa,
Kaya naman hindi ko mapigilan mapatawa.May bitbit akong plastic na may ponkan,
At s'ya ay aking binibigyan,
Pinagbalat ko na lang s'ya,
Kahapon maasim daw ang ponkan kaya ayaw na n'ya.Tinanong ko kung maganda ba ko,
Sasagot na s'ya ngunit bigla n'yang inihinto,
Nanood na lang s'ya ng tv saka kumain,
Pati ako ay nakinood na lang din.
![](https://img.wattpad.com/cover/109941711-288-k32826.jpg)
VOUS LISEZ
Dedicated Poems for Love without limits by: Maxinejiji
PoésieAng istoryang ito ay isinulat ni Miss Maxine Lat. LOVE WITHOUT LIMITS #LWL #DELVALLE #MAXINEJIJI Naka published na ulit ito sa wattpad ngayon. Ang mga tulang nakapaloob dito ay mga sa tingin kong nararamdaman ng bawat tauhan ng istoryang ito. Ka...