Chapter 4 (Maxwell)

835 19 0
                                    

Maxwell feel be like

Ngayong araw pinuri ko ang performance n'ya,
Sa elevator inaya ko na sumabay na rin s'ya,
Balak ko na rin sana s'ya ay ihatid sa kanila,
Pero ang kanyang sasakyan ay dala n'ya pala.

Sa party sa aming mansion s'ya'y aking inimbita,
May kislap at saya ang nababasa ko sa kanyang mata,
Ngunit no'ng araw na iyon ay nahuli s'ya ng punta,
Napatingin sa kanya ang lahat ng aking bisita.

Aking mga kapatid ay agad s'yang pinuri at binati,
Si Maxrill halatang masaya at todo ang pagkakangiti,
Maagap akong tumayo at sa kanya ay mabilis na lumapit,
Beywang n'ya ay aking hinapit, katawan namin ay halos magkadikit.

Pinakilala ko s'ya sa aking mga bisita, saka pinaupo,
Sa aking mga kinikilos, s'ya ay halatang naninibago,
Aking kapatid panay ang tawag at pagyaya sa kanya,
Bandang huli ako ay napapayag na rin sa gusto n'ya.

Malakas akong napasigaw at nalapit sa kanila,
Akmang maghuhubad s'ya kaya ko s'ya hinila,
Huwag daw ako ganito baka mamisinterpret n'ya,
May mga sinabi ako na nagpamaang na lang sa kanya.

Hinatid ko aking bisita, saglit ko s'yang iniwanan,
Pagbalik ko sila lang ni Maxrill aking nadatnan,
Lumusong ako, at s'ya'y aking nilapitan,
Niyakap ko s'ya mula sa kanyang likuran.

Lumangoy si Maxrill at nakisabay ako,
Sa pabilisan sa paglangoy,s'ya'y hinamon ko,
Pumayag s'ya pero di ko inasahan ang kanyang sasabihin,
Lalo na nang si Yaz ay kanyang nagawang hilahin.

Nalilito na ito sa pagtatalo namin,
Si Maxrill o ako nagawa kong tanungin,
S'ya o ako, malapit na sana n'yang sagutin,
Ngunit dumating at nagsalita si Maxpein.

Si Maxrill nagprisinta na ihahatid s'ya sa kanyang kwarto,
Humirit ako, na nasa akin na ang susi nito,
Sabi ko sa kanya, ako 'y ihatid n'ya sa aking kwarto,
Nagtataka s'yang napatingin sa mga kapatid ko.

Dedicated Poems for Love without limits by: MaxinejijiWhere stories live. Discover now