Chapter 3 (Maxrill)

832 16 0
                                    

Maxrill feel be like

Sumagot ako kung di pa s'ya handa,
Ay ako na ang mauuna sa kanya,
Sa dinner ay nahuli ako nang dating,
Kaya paningin nila sa 'kin nabaling.

Si Maxwell ay aking sinabihan,
Nasa pagtratrabaho ay gaganahan,
Dahil mayroon na s'yang kakompetensya,
Subalit parang ito ay wala lang sa kanya.

Sabi ko magtungo na s'ya sa Palawan,
Tila ibig kong sabihin ay di n'ya naintindihan,
Bakit daw atat na atat akong paalisin s'ya?
Ano naman kaya ang nangyayari sa kanya.

Biniro ko s'yaano nangyari "change of heart",
Halata sa tingin at sagot n'ya ay sa 'kin nagagalit,
Inawat nila kami at niyaya na nila ko kumain,
Tumanggi ako, sa 'kin s'ya'y agad na napatingin.

Kanina hindi ko s'ya agad napansin at nakita,
Kita ko ang pag-aalala sa kanyang mga mata,
Tinanong ko kung ano ang kanyang kinakain,
Napahawak ako sa aking tiyan at sa kanya nakatingin.

Nagprisinta s'ya na ikukuha ako ng pagkain,
Lahat ng naroon ay batid kong nakatingin sa amin,
Si Maxwell sinabihan na ako na raw ang kumuha,
Nagpumilit s'ya, kaya si Maxwell ay maasim na ang mukha.

Pinausog ko sila para magkatabi kami ng upuan,
Kinuha ko ang kanyang dala, at sa kanyang ginawa ako'y natigilan,
Kinapa n'ya aking leeg, masama ba raw ang aking pakiramdam,
Sagot ko wala, dahil wala naman akong dinaramdam.

Saglit akong napatayo at doon ay bahagyang lumayo,
Sa aking pag-upo ulit, niyaya ko s'ya, magsayaw tayo,
Di n'ya inaasahan paghaplos ko sa kanyang kamay,
Nagulat s'ya nang si Maxwell ay lumikha ng ingay.

Nagsungit ito ang sabi wala sa kanya ang kanyang paa,
Napahawak s'ya sa sariling batok ,sa aking yaya ay pumayag na,
Isinama ko muna s'ya sa bar counter at ako ay uminom,
S'ya ay nagulat, matapos s'ya ay sunud-sunod na rin ang pag-inom.

Nang kami ay magsayaw na, sa kanya ako'y nakatitig,
Di ko alam kung ramdam n'ya puso ko sa pagpintig,
Sabi ko sa kanya may hopeless crush ako sa isang tao,
Ngunit walang chance na s'ya ay makasama ko.

Di raw s'ya komportable sa aming usapan,
Kaya naman ay akin mabilis na tinigilan,
Ang pagsasayaw ay di namin nagawang tapusin,
Hinila ko s'ya patungo sa mga claw machine.

Pagsulpot ni Maxwell ay di namin inasahan,
Pagkuha ng laruan, ako'y kanyang inuunahan,
Dinalangin ko, sana huwag s'yang magtagumpay,
Dininig ang aking hiling, laruan ako ang unang nakapagbigay.

Dedicated Poems for Love without limits by: MaxinejijiWhere stories live. Discover now