Chapter 1 (Yaz)

4K 54 2
                                    

Yaz feel be like

Ang pagbabalik n'yo ay matagal kong hinintay,
Pero nang makita ko na kayo halos ako'y mahimatay,
Sa akin ay bahagya kang napatingin pero iyong inirapan,
Binalewala ko, natigilan kasi si Maxrill nasa aking harapan.

Sa labis kong saya at pagkamiss sa kanya ay niyakap ko s'ya,
Ngayon masasabi ko na malaki na nga ang pinagbago n'ya,
Tinatawag na lang akong "Yaz", at tinanong ako kung single,
Sa inyong dalawa mga kababaihan panigurado manggigigil.

Sa BIS hospital, di nila alam na tayong dalawa ay magkakilala,
Na ang pagkagusto ko sa 'yo ay sobra na ring lumalala,
Naiinggit ako nang makita ko kayo ni Keziah ay nagyakapan,
Kaya naman tumalikod na lang ako at nakipagkuwentuhan.

Maari ka na yatang maisali sa mga lalaking sadyang paasa,
Matapos mo kong bulungan, iniwan mo ko rito na nag-iisa,
Matagal-tagal na rin ako hindi nakaramdam ng kilig,
Dahil sa sinabi mo, masasabi ko na handa na ko muling umibig.

Dedicated Poems for Love without limits by: MaxinejijiWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu