Ngayon ko labis na napagtanto,
Magkaibigang tunay nga mga ito,
Del Valle at Echavez wala akong masabi,
Napapatameme na lang ako sa isang tabi.Pareho rin kapag kausap ay magulo,
Malakas din ang hatak kahit anong anggulo,
Masuwerte sa mga babaeng natitipuhan,
'Di malaman kung may tunay bang aasahan.Del Valle na 'di maaninag ang tunay na nadarama,
Iba rin kapag iyo nang kasa-kasama sa isang kama,
Lalaking masungit, antipatiko at suplado,
Darating din ang araw ika'y masasaktan ng todo.
BINABASA MO ANG
Dedicated Poems for Love without limits by: Maxinejiji
PoetryAng istoryang ito ay isinulat ni Miss Maxine Lat. LOVE WITHOUT LIMITS #LWL #DELVALLE #MAXINEJIJI Naka published na ulit ito sa wattpad ngayon. Ang mga tulang nakapaloob dito ay mga sa tingin kong nararamdaman ng bawat tauhan ng istoryang ito. Ka...