YAZRILL

201 0 0
                                    

Sabi n'ya rito ay maganda s'ya,
Malaki ang agwat nito sa kanya,
Kasing edad na ng kuya n'ya.

Noona ang tawag n'ya rito,
Madalas s'ya nitong ipagluto,
Pero kuya n'ya ang gusto.

Madalas silang magkasama,
Hanggang nag-iba ang kanyang nadarama,
Kailan n'ya nga ba ito tuluyang maipapadama.

Babae na madalas n'yang makalaro,
Sa kuya n'ya ito lagi binibiro,
Hanggang s'ya matuto ng matuliro.

Matuliro sa sariling nararamdaman,
Nararamdaman na gusto n'ya malaman,
Malaman na puso n'ya ito ang nilalaman.

Para sa kanya hindi yata ito simpleng paghanga,
Tila puso n'ya ay umiibig na nga,
Sa babaeng nararapat makaramdam ng pagpapahalaga.

Ginagalang na n'ya ito bilang babae,
At hindi na bilang isang ate,
Ipapakita na n'ya paano magkagusto ang isa pang Del Valle.

Hindi na s'ya ang dati kung ituring nila ay isip bata,
Dahil ngayon isa na s'yang ganap na binata,
Binata na marunong suminta.

Dedicated Poems for Love without limits by: MaxinejijiWhere stories live. Discover now