Yaz feel be like
Hindi ko kinakaila, akin din namang inaamin,
Dala na rin ng bugso ng aking damdamin,
Kaya pumayag ako sa namagitan sa amin.Kahit wala s'yang pangakong binibitawan,
Kahit na heto ako maghihintay na naman at maiiwan,
Habang s'ya ay naroon muli sa isla nila sa Palawan.Sabihin na ninyong ako'y isang dalagang hibang,
Heto pa rin at sa kanyang pagbabalik ay nag-aabang,
Kapag 'di ko s'ya nakikita araw ko'y kulang.Aking puso't damdamin s'ya lang muling nagpatuliro,
Alam ko ang aking naging desisyon ay 'di isang biro,
Na maaring sa akin s'ya ay nakikipaglaro.Sa bugso ng aking damdamin ako'y nagpadala,
Sa kanyang mga sinabi nais kong maniwala,
Kaya ang aking puso sa kanya ay akin ng ipinagkatiwala.
![](https://img.wattpad.com/cover/109941711-288-k32826.jpg)
BINABASA MO ANG
Dedicated Poems for Love without limits by: Maxinejiji
PoetryAng istoryang ito ay isinulat ni Miss Maxine Lat. LOVE WITHOUT LIMITS #LWL #DELVALLE #MAXINEJIJI Naka published na ulit ito sa wattpad ngayon. Ang mga tulang nakapaloob dito ay mga sa tingin kong nararamdaman ng bawat tauhan ng istoryang ito. Ka...