'DI KUMUPAS

435 6 0
                                    

Maxwell feel be like

'Di na ko nagpatumpik-tumpik,
Ako'y sa kanya labis na nananabik,
Namiss ko ang tamis ng kanyang halik.
Sa kanyang tabi nais kong magpabalik-balik.

Maraming beses kaming nag-isa,
Sa nangyari pareho kaming nagkusa,
Sa kanyang puso ako lamang ang nag-iisa.
Kami na nga ba ang laan para sa isa't isa.

Sa kanya ngayon nagkakaroon ako ng oras,
Bawat sandali naming magkasama kaybilis din lumipas,
Sana pagtingin n'ya para sa 'kin ay 'di kumupas,
Batid ko, ako ang kanyang kahinaan at lakas.

Dedicated Poems for Love without limits by: MaxinejijiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon