ILUSYON

2.6K 42 0
                                    

Yaz feel be like

Ilusyon lang siguro na ako iyong magugustuhan,
Dahil una pa lang di ako ang iyong natitipuhan,
Ang babaeng hinahanap mo ay isang mahinhin,
Yung isang babaeng kayang-kaya kang intindihin.

Ilusyon ko lang ba lahat ng iyong ipinakita,
Na kadalasan ay nasa harapan na lang kita,
Walang pagkakataon na di mo ko sinungitan,
Isang pakikitungo yata di ko na mapapalitan.

Ilusyon lang ba na ako rin ay iyong mamahalin,
Na ako ay iyo ring magagawang piliin,
Ilusyon ko lang ba  na ako ay iyong hinagkan,
At sa iyong mga bisig tila ayaw na kong pakalawan.

Dedicated Poems for Love without limits by: MaxinejijiМесто, где живут истории. Откройте их для себя