PROLOGUE

4.6K 69 1
                                    

Yaz feel be like

Simula nang ako ay tuluyan ng natauhan,
Lumipat na ko ng lugar na pinagtratrabuhan,
Ang kalimutan ka ay akin na ring pinag-aaralan.

Nadaragdagan ang aking mga bagong kakilala,
Kapag nag-iisa ay di ko maiwasan ang matulala,
At alalahanin ang mga ibinigay mo sa aking alaala.

Di pa man ako nakakabangon sa dulot mong sakit,
Lagi akong ginugulo ng aking isipan ng tanong na bakit,
Nasa kabila ng lahat ay di ako sa 'yo lubos na naghihinakit.

Mayroong nagpadeliver ng kape at bulaklak para sa akin,
Sa mga ito di ko maiwasan na muli ka na namang isipin,
Heto na naman ako, nagsisimula na naman sarili'y paasahin.

Simula't sapul sa ating dalawa, ako lang naman ang may gusto,
Kasi iba ang nagugustuhan mo, masakit man pero iyon ang totoo,
Mr. Best, di ko itinatanggi naisip ko baka sakaling ikaw ito?

Dedicated Poems for Love without limits by: MaxinejijiWhere stories live. Discover now