Chapter 5 (Yaz)

984 21 0
                                    

Yaz feel be like

Patuloy akong napapaisip sa kanyang inaakto,
Sa isip ko nagtatanong bakit s'ya nagkakaganito?
Aaminin ko na kanyang pinapakita aking nagugustuhan,
Yon nga lang di ko itinatanggi sa kanya ako'y naguguluhan.

Sa nakikita ko tila isa s'yang lalaking seloso,
Kinakaila n'ya kaya s'ya ay aking tinutukso,
Kapatid n'ya nagawa kong ipagluto at silbihan,
Kanilang pag-uusap tila may paghahamunan.

Pinilit ko namang supilin hanggat maari,
Pero wala na ginusto ko rin ang nangyari,
Hinanda ko ang sarili paggising ko wala na s'ya,
Pero nagkamali ako, ako pa rin ay yakap-yakap n'ya.

Alam ko ang aking pagpayag ay mali,
Na baka pagsisihan ko lang sa huli,
Basta ang alam ko ay mahal ko s'ya,
Kaya sa kanyang gusto ako'y nagpaubaya.

Ganito talaga ko magmahal sobra-sobra,
Halos sa aking sarili wala na kong itira,
Kahit na di ako sigurado kung mahal rin ba n'ya ko,
Wala nga rin s'yang iniwan at binitawang pangako.

Di ko alam kung ano nga ba kulang sa akin,
Para saktan at paglaruan nila aking damdamin,
Sa pag-ibig palagi na lang ako sumusugal at talo,
Sana ngayon naman kaming dalawa na hanggang dulo.

Sila ni Maxrill ay tuluyan ng umalis,
Sabi ko rito s'ya'y aking namimiss,
Nalungkot ako sa kanyang naging tugon,
Tinalikuran na ko at di na lumingon.

Di ko namalayan ang kanyang paglapit,
Hinalikan ako at niyakap ng mahigpit,
Di ko alam kung pamilya n'ya di ba kami napansin,
Nag-uumpisa na yata mangamba aking damdamin.

Dedicated Poems for Love without limits by: MaxinejijiWo Geschichten leben. Entdecke jetzt