Chapter 6 (Yaz)

432 8 0
                                    

Yaz feel be like

Nagulat kami nang magpunta s'ya sa amin,
Kanyang paningin ay nakatuon sa akin,
Lumapit s'ya at buhok ko'y nagawa n'yang hawiin,
Cake na nasa mesa, naisipan ko s'yang alukin.

Sa kusina ako'y kanyang sinundan at nilapitan,
Kinakausap at inaaya n'ya ako magdate kinabukasan,
Tinawag na naman n'ya ko sa aking pangalan,
Bagay na hindi ko sa kanya nakasanayan.

Iginagalang n'ya raw ako bilang isang babae,
At hindi katulad noon na isang bilang ate,
Sa aming usapan ay 'di ako masyadong komportable,
Gusto kong isipin na aking haka-haka ay imposible.

Sagot ko sa kanya ay hindi ako pwede may trabaho ako,
Pero 'di s'ya sumuko, ihahatid at susunduin na lang daw n'ya ko,
Lalabas na lamang kami sa ibang araw aking naging pangako,
Sa kanyang mga ipinaramdam sa akin ay nangangamba ko.

Kinabukasan maaga pa lamang ay naroon na s'ya,
Halatang-halata sa mga mata at ngiti n'ya ang saya,
Nagulat kami nang makita namin ang kanyang kuya,
Biglang nalungkot at nawala ang ngiti sa mga labi n'ya.

Dedicated Poems for Love without limits by: MaxinejijiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon