Yaz feel be like
Sabi ng kapatid ko nagbalik na sila,
Kaya naman nanumbalik ang aking sigla,
Bumaba ako na may matamis na ngiti,
Nakita ko si Maxpein s'ya'y aking binati.Nadatnan ko ang magkapatid na lumalangoy,
Si Maxwell ay tiningnan lang ako at nagpatuloy,
Sa kanilang dalawa halos ako'y matulala,
Sa tindig ni Maxrill halos hindi ko na s'ya makilala.Marami nang nagbago sa kanya,
Kaya n'ya na makipagsabayan sa kuya n'ya,
Si Maxwell ay ganon pa rin sa akin,
Napakasungit pagdating sa 'kin.Sabi n'ya sa mga sinabi ko wala s'yang sineryoso,
Kaya naman nasaktan na naman ang aking puso,
Kung alam n'ya lang kung gaano ko s'ya kamiss,
'Di ko alam bakit sa kanya 'di ko magawang mainis.Kinabukasan hindi ko inaasahan na kami ay magkikita,
Hangga't maari iniiwasan ko magtama ang aming mga mata,
Kay Keziah hindi ko maiwasan na hindi mainggit,
Mabuti pa rito hindi s'ya nagsusungit at sa kanya nakakalapit.Tumalikod na ko at kaibigan ko ay aking kinausap,
Nang bigla s'yang bumulong sa 'kin kaya ako'y napasinghap,
"Keep breathing then" ang binulong n'ya sa akin,
Pagkatapos noon ay naglakad na s'ya palayo sa 'kin.
![](https://img.wattpad.com/cover/109941711-288-k32826.jpg)
YOU ARE READING
Dedicated Poems for Love without limits by: Maxinejiji
PoetryAng istoryang ito ay isinulat ni Miss Maxine Lat. LOVE WITHOUT LIMITS #LWL #DELVALLE #MAXINEJIJI Naka published na ulit ito sa wattpad ngayon. Ang mga tulang nakapaloob dito ay mga sa tingin kong nararamdaman ng bawat tauhan ng istoryang ito. Ka...