Chapter 3 (Maxwell)

868 14 0
                                    

Maxwell feel be like

Sa aming dinner ay isinama ko si Keziah,
Ako'y napatingin sa gawi kung nasaan s'ya,
Kabisado ko naman ang kanyang likuran,
Batid ko na presensiya ko ay kanyang iniiwasan.

Si Keziah ang katabi ng aking inupuan,
Samantalang s'ya katapat at nasa aking harapan,
Balisa s'ya at sa akin ay hindi makatingin ng maayos,
Tahimik s'ya ngayon at iba ang kanyang ikinikilos.

Nag-usap at nagkabiruan ang aming mga kasamahan,
Sina Spaun at Donatelli baka raw balang araw ay magkatuluyan,
Aking bayaw ay umapela mas matanda raw anak nila Naih,
Sagot nito "love has no age", hirit n'ya ayaw ng maingay ng anak n'ya.

Sa akin na napabaling ang kanilang naging usapan,
Sagot ko ang hanap ko ay tulad ng prinsesa ko lang naman,
Matapos kay Keziah ako ay mabilis na sumulyap,
Hanggang si Maxrill ay dumating sumali sa pag-uusap.

Kung ayaw ko pa raw, mauuna na s'ya sa akin,
Lahat kami sa kanya ay agad na napatingin,
May good news daw s'ya, ako raw ay may kakompetensya
Hindi ko alam kung bakit naiinis ako sa inaasta n'ya.

Pati si Maxpein sinabi maganda ang kanyang ideya,
Sa mga sinasabi n'ya, ako ay naiinis na talaga sa kanya,
Kung di pa kami inawat, baka di natapos aming sagutan,
Inalok s'ya na kumain, nagulat ang lahat ng kanyang tinanggihan.

Mabilis s'yang nilingon at tinanong agad ni Yaz,
Ang pag-aalala nito sa kanya, sa akin ay di nakaligtas,
Nagprisinta pa ito na ikukuha s'ya ng makakain,
Nagsalita ako na s'ya ang kumuha ng sarili n'yang pagkain.

Pinigilan n'ya ito, Sabi pa hindi na lang s'ya kakain,
Pero talagang nagpumilit ito, nagpaliwanag pa sa amin,
Si Maxrill kumuha pa ng silya, at tatabi pa sa kanya,
Pagbalik nito sa upuan kinapa pa talaga ang leeg n'ya.

Tumayo si Maxrill mayroon lang daw kakausapin,
Sa akin ay hindi pa rin s'ya makatingin,
Mga kasamahan namin ay nagkukuwentuhan,
Si Keziah tinanggap ang alok ko sa Palawan.

Aking performance sa ospital ay kanilang kinamusta,
S'ya ay talagang umiiwas sa aking mga mata,
"Good" ang kanyang unang naging kasagutan,
Sumunod ay "better" sabi ko ayoko ng salitang yan.

Sa huli ay pinalitan n'ya ng "best" ang sinabi,
Tumunghay ako sa kanya na may ngiti sa aking labi,
Sabi ko dahil sa kanya,kaya ko naging inspirado,
Kaso huwag lang nga s'ya maingay masyado.

Padarag hinila ni Maxrill ang silya saka naupo,
Si Yaz napatingin sa kanya, inayos n'ya ang buhok nito,
Pati kamay nito ay kanyang hinawakan saka hinaplos,
Napatitig ito sa kanya, niyaya n'ya magsayaw pagkatapos.

Padabog kong ibinaba sa mesa ang aking baso,
Napatingin s'ya sa akin, sabi ko wala sa akin ang paa mo,
Tumayo sila at pumunta na kung saan,
Pero makalipas ang ilang minuto sila ay aking pinuntahan.

Gulat s'yang napatingin sa akin, nang ako'y magsalita,
Si Maxrill ay halos maningkit na sa akin ang mata,
Pero di ako nagpatinag, nauna man s'ya sa pagbigay ng laruan,
Dahil sa aming pagkakalapit muli, alam ko s'ya'y naguluhan.

Dedicated Poems for Love without limits by: MaxinejijiWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu