YAZWELL (HIH S2)

204 1 0
                                    

Maxwell feel be like

Napasali sa gulo ang kapatid ko,
At kagagawan iyon ni Choco,
Nadamay ako pati kaibigan n'ya,
Si Maxpein ay nasaksak s'ya.

Naging mahaba ang tulog ko,
Pagkagising ko si Keziah ay inaasikaso ako,
Hanggang mapatingin ako sa may pintuan,
Bakit naman nakatayo s'ya d'yan?

Nakakainis hindi pa ko nakakaligo,
Ano ba kasi ang ginagawa n'ya rito?
Tanong  pa n'ya kung nakakaabala s'ya,
Si Keziah ang sumagot at kumausap sa kanya.

Mabilis ko naman itong sinita,
Sa kuwarto ko bakit nagpapapasok basta-basta,
Sabi kasi n'ya ay kasama ko s'ya, kaya pinapasok,
Wala na kong nagawa kahit na ako'y maghimutok.

Nandito na s'ya sa tabi ko at nangangamusta,
Hanggang sa nagkasagutan na sila ni Keziah,
Noong una ay hindi nila ko pansin,
At medyo mahirap pa silang awatin.

Ipinakilala ko s'ya na ate s'ya ni Naih,
Kaya raw pala s'ya bungangera,
Mabilis ko naman s'ya pinigilan,
Sa ginawa ni Keziah ako'y natigilan.

Nang bumaling na ko sa kanya,
Ang sama ng pagkakatingin n'ya,
Kaya uminom na lang ako,
Sa sinabi n'ya halos masamid na ko.

Hindi ko girlfriend si Keziah,
Pagtatama ko sa sinabi n'ya,
Tapos binato pa n'ya ko,
Kaya doon ay napatingin ako.

Binato n'ya ko ng ponkan at tinalikuran,
Braso n'ya ay aking hinawakan,
Tinanong ko bakit ang sungit n'ya?
Kinakamusta ako at tapos aalis s'ya.

Wala raw s'ya pakialam sa akin,
Bakit ba nagagalit s'ya sa 'kin?
Sabi nang 'di ko girlfriend si Keziah,
Bakit ba ang kulit n'ya?

Kanina pa kami nagtatalo,
Bakit ba ang init ng kanyang ulo?
Matapos ay aalis na raw s'ya,
Pinigilan ko ulit s'ya, nagulat ako sa sinabi n'ya.

Bibitawan ko s'ya o tatadyakan n'ya ko,
Kaya sa kanya ay bumitaw ako,
Sa inaakto n'ya ay sinisita ko s'ya,
Aalis na s'ya, okay naman daw kasi ako dagdag pa n'ya.

S'ya naman ang nagawa kong tanungin,
Ano raw ang pakialam ko, sabi n'ya sa 'kin,
Tinatanong ko ng maayos tapos ganyan s'ya,
Okay lang daw s'ya iyon ang sagot n'ya.

Nagpaalam na s'ya sa akin ulit,
Dito ko muna, kaya natigilan s'ya saglit,
Mabilis ko naman binawi ang sinabi ko,
Umalis na s'ya at iniwan ako.

Binalatan ko ang ponkan na kanyang binato,
Napangiwi ako dahil maasim ito,
Abala ako sa paghahanap ng makakain ko,
Dumating si Maxrill at kinamusta ako.

Dedicated Poems for Love without limits by: MaxinejijiWhere stories live. Discover now