Chapter 7 (Yaz)

462 7 0
                                    

Yaz feel be like

Matapos kumain ako'y kanyang hinintay,
Magtungo sa iisang silid kami'y sabay,
Kanyang mga haplos sa 'kin ay mapaghanap,
Hanggang sa kanyang bisig ako'y nakayakap.

Sa aking isipan tinatawag ko s'yang kigwa,
Sa kanyang mga kalokohan, ako'y bahagyang natatawa,
Alam na alam n'ya na ang kahinaan ko ay sa may tainga,
Sa kanyang mga kapilyuhan, ako'y malimit mapanganga.

Napapadalas na ang aming pagsasama,
'Di ko pa alam ang tunay n'yang nadarama,
Hindi ko itinatanggi na kahit paano'y ako'y masaya,
Lalo pa ngayon sa 'kin ay kakaiba ang pakikitungo n'ya.

'Di ko inaasahan na sa 'kin s'ya'y magsosorry,
Sa akin daw kasi, s'ya'y nagwoworry,
Pakiramdam ko sa kanya, ako'y isang distraction,
Imbes na maging isa n'yang inspiration.

Wala raw akong kontrata sa kanya,
Dahil 'di raw ako isa sa empleyado n'ya,
"Commitment" daw ang kanyang gusto,
" I want you " ang sagot n'ya na sa akin ay nagpahinto.

Dedicated Poems for Love without limits by: MaxinejijiOnde histórias criam vida. Descubra agora