Maxrill feel be like
Hindi ko alam na magkakaganito,
Na sa 'yo'y ako'y magkakagusto,
Turing mo sa 'kin parang magkapatid tayo,
Hindi ko akalain, na ako'y mahuhulog sa 'yo.Basta akin na lamang namalayan,
Na sa 'yo'y may nais akong patunayan,
Na kailanman hindi kita sasaktan,
At s'ya'y sa puso mo nais kong palitan.Ayokong damdamin mo'y nababalewala,
Sana sa aking nadarama ika'y maniwala,
Hanggang ngayon 'di ako nawawalan ng pag-asa,
Na pagdating ng araw nadarama natin ay magiging iisa.
YOU ARE READING
Dedicated Poems for Love without limits by: Maxinejiji
PoetryAng istoryang ito ay isinulat ni Miss Maxine Lat. LOVE WITHOUT LIMITS #LWL #DELVALLE #MAXINEJIJI Naka published na ulit ito sa wattpad ngayon. Ang mga tulang nakapaloob dito ay mga sa tingin kong nararamdaman ng bawat tauhan ng istoryang ito. Ka...