MAXINEJIJI

20.5K 533 25
                                    

Pangalan n'ya'y Maxinejiji na sobrang lupit,
Imahinasyon n'ya bagyong humahagupit.
Hihigpitan ko na aking kapit,
Baka kung ano aking masapit.

Bawat pahina ng iyong sinusulat,
Totoo namang nakakagulat.
Mata ko naman nakamulat,
Iba ka talagang manunulat.

Eksenang tagpi-tagpi ,
Mga emosyong gapi.
Akala tuloy nila ako'y may sapi,
Umiiyak na parang api.

Isip ko naman ay salat,
May dahilan ang lahat.
Maxinejiji maraming salamat,
Mata ko'y ganap ng mulat.

Kaalaman ninuman marahil 'di sapat,
Pero kayang maging karapat-dapat.
Dahil sa kwentong iyong isinulat,
Ramdam ang pagiging tapat,
Namumukod tangi ka sa lahat.

My Poems For He's Into Her By: MaxinejijiTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang