IDOLO

476 7 0
                                    


Marahil para sa kanila'y mahaba,
Bawat eksena naman nakakaba,
Emosyon magiging iba-iba,
Istoryang para sa'kin labis na kakaiba.

Imahinasyon n'ya sa iba't ibang lugar kang dadalhin,
Halos mauubusan ka na lamang sasabihin,
Bawat kabanata may nais paintindihin,
Maxinejiji puso ko'y nagawa mong damhin.

Aking mga mata'y madalas mong mapaluha,
Puso't damdamin ko iyong nakukuha,
Parati mo akong napapamangha,
Para sa'kin nag-iisa iyong likha.

Karununga'y hindi mananakaw,
Pero isip at puso ko'y iyong napukaw,
Aking idolo ang nag-iisang ikaw,
Maraming salamat sa likha mong hindi malulusaw.

My Poems For He's Into Her By: MaxinejijiМесто, где живут истории. Откройте их для себя