MALIGAYANG KAARAWAN

522 5 0
                                    

Para sa 'yo Maligayang Kaarawan,
Nais kitang pasalamatan,
Sa iyong mga naisulat na istorya,
Nasa amin labis na nagpapasaya.

Hangad namin ang iyong kaligayahan,
Salamat at hindi mo kami nakakalimutan,
Pagpalain ka pa lalo ng ating Maylalang,
Pagkakaibigan nating lahat walang hahadlang.

Sa iyong panibagong kuwentong handog,
Muli isip namin ay iyong nabulabog,
Sa aming mga labi may sumilay na ngiti,
Puso 't isip namin muling makikiliti.

Para sa akin hindi ka mahahalintulad,
Kaming mga tagasuporta mo ay mapapalad.
Miss Maxine Maligayang Kaarawan,
Asahan mo hindi ka namin iiwan.

Ating Maylalang patuloy kang pagpapalain,
Parati kang kasali sa aming mga panalangin.
Marami kami sa 'yo patuloy  na magtitiwala,
Narito lamang kami para sa 'yo at hindi mawawala.

Maligayang Kaarawan Miss Maxine Lat.

My Poems For He's Into Her By: MaxinejijiWhere stories live. Discover now