ATING KUWENTO (Tagsen)

187 7 0
                                    

Tagsen

Puso ko noon madalas mahapo,
Pero nang landas natin ay nagkatagpo,
Mundo ko nag-iba ang silakbo,
Oras ko ay bumabagal ang takbo.

Kinabisa ko ang iyong wangis,
Lihim ka na lamang kung tumangis,
Pero makipaglaban sobrang bangis,
Pag-ibig natin ay pinaghalong tubig at langis.

Ang mahalin mo rin nagdulot sa 'kin ng tuwa,
Titigan ka, kailanman di ako magsasawa,
Nais ko malaman bawat kilos mo't gawa,
Sapagkat tayo magsasama sa hirap at ginhawa.

Anak natin ang s'yang patunay,
Na natawid natin ang matarik na tulay,
Lahat para sa inyo malaya kong iaalay,
Kayo ang dahilan kung bakit ako nabubuhay.

Labis-labis aking pasasalamat,
Kahit ating pag-iibigan muntik ng magkalamat,
Kayong dalawa ang natatangi kong agimat,
Ating kuwento maaring maging alamat.

My Poems For He's Into Her By: MaxinejijiWhere stories live. Discover now