MATAGAL NG PINALAYA (Deib)

264 8 0
                                    

Nang malaman ko magkasama kayo,
Aking puso walang tigil sa pagbayo,
Paningin ko sa 'yo ayokong nalalayo,
Susuungin ko ang lahat maski may bagyo.

Aking tinahak ang daanan,
Ito lamang ang naisip kong paraan,
Nagsusumidhi aking nararamdaman,
Dati kasi kayong nagmamahalan.

Sa amin walang nakaalam,
Hindi ko na inisip pang magpaalam,
Aking mommy ay muntik ng magdamdam,
Sa isip ko noon ang lahat walang pakialam.

Kayo ay labis na nagulat,
Boses ko halos na nga mamalat,
Takot ko umusbong ng katotohanan ay naisiwalat,
Mahal kita alam ng lahat.

Ayos lang na sa sofa ko mahimbing,
Sa 'yo ako ay naglalambing,
Sa kanya huwag mo ko ihambing,
Walang tatalo sa king paglalambing.

Karangalan ng ating probinsya,
Nasa kamay n'yo, kaya ako ay nagpaubaya,
Pero ng subukin n'ya na halikan ka ay di ko makakaya,
Isa't isa matagal n'yo ng pinalaya.

My Poems For He's Into Her By: MaxinejijiWhere stories live. Discover now