DEIN LEIGH ENRILE

401 5 0
                                    

Isang babae kumukuha ng kursong medisina,
Nang kung minsan tawagin ni Deib Lohr ay "noona",
Parati s'yang nagpagaganda at nakapostura,
Mataas ang expectation sa kanya bilang doktora.

Si Deib Lohr ay parati n'yang pinagsasabihan,
Dahil nangunguna madalas sa kalokohan,
Si Randall ang mahalin s'ya ay natutunan,
Si Maxpein ay matindi n'yang pinagseselosan.

Natatakot na si Randall sa kanya ay muling maagaw,
Sa inis at galit s'ya ay talagang napapasigaw,
Nang makita si Maxpein s'ya ay halos di makagalaw,
Noon ang puso n'ya sa selos ay naghuhumiyaw.

S'ya si Dein Leigh Enrile ang panganay na anak,
Sa kanilang pamilya pagiging doktor ay nakatatak,
Sa takot at pangamba ay mabilis s'yang napapaiyak,
Nang maging hipag si Maxpein nakaramdam s'ya ng galak.

My Poems For He's Into Her By: MaxinejijiWhere stories live. Discover now