LEE ROI GOZON

423 7 0
                                    

Sa kanilang tatlo s'ya raw ang "Superhero",
S'ya ang tinawag ni Naih na lalaking "Englishero",
Lalaking minsan magugulat ka kapag nagbiro,
Seryoso rin s'ya pag basketball na ang kanilang nilalaro.

Si Deib ay madalas n'ya nang suwayin,
Kulang na ito ay kanya nang awayin,
Transferee ay bigla kasi nito kung patirin,
Kaya s'ya ay nagsalita para ito'y awatin.

S'ya si Lee Roi Gozon tinawag nilang "Superman",
Silang dalawa ni Zarnaih madalas magkasagutan,
Pero ang maghugas ng kamay ay di n'ya nakakalimutan,
Sina Kimeniah at Keziah magkapatid na kanyang pinsan.

Kay Maxpein minsan rin s'yang humanga,
Mga kaibigan n'ya sa kanya ay mahalaga,
Turing n'ya sa mga ito parang kapamilya,
Na kasa-kasama n'ya sa lungkot man o ligaya.

My Poems For He's Into Her By: MaxinejijiWhere stories live. Discover now