TATAPUSIN (Maxpein )

240 3 0
                                    

Tayong dalawa ay nagkatampuhan,
Kaya nagpunta ka sa isang kasiyahan,
Kaming ni Lovemir ay nagtungo rin,
Lahat ng bahagi ng lugar na iyon halos akin ng suyurin.

Sa isang madilim na kubo kayo naroroon,
Halos manlambot ako sa nasaksihan ko roon,
Selos at galit ang pinagsanib,
Sasabog na ang aking dibdib.

Ikaw ay aking biglang iniwanan,
Ayoko makinig sa iyong dahilan na kababawan,
Nanginginig na ang aking mga kamay,
Sa galit ko maraming madadamay.

Ikaw pala ay kanilang pinagkaisahan,
Sinaktan ka nila, halos puso mapuruhan,
Nagtungo kami sa pagamutan,
Ang iyong mga galos sa mukha ay di ko malimutan.

Nilabag nila ang aking patakaran,
Pananakit nila sa 'yo ay kanilang pagbabayaran,
Ang ginawa nila sa atin, di ko palalampasin,
Kasakiman nila aking tatapusin.

My Poems For He's Into Her By: MaxinejijiWhere stories live. Discover now