MANANG, NONO AT JOAN

261 1 0
                                    

Si Manang na parang pangalawa nilang ina,
Na nag-aalaga at nagpapaalala sa kanila tuwina,
Nariyan handang makinig at makipagkuwentuhan,
Kailanman hindi nakakalimot na sila paalalahanan.

Nono at Joan mga anak na bata ni Manang,
Madalas sa katanungan nila s'ya ay napapamaang,
Gusto makilala nito ang kanyang nililigawan,
Kaya naman napangiti s'ya at ito'y pinangakuan.

Unang babaeng dinala sa bahay ay si Maxpein,
Inakala nila ito ay kanyang gustong pasagutin,
Ngunit kahit noon ay di n'ya masukat-isipin,
Ito ay ang babaeng kanyang pakamamahalin.

My Poems For He's Into Her By: MaxinejijiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon