MOKZ

250 9 0
                                    

S'ya ay itinuring kong tunay na apo,
Sa katunayan kami ay magkasundo,
Hanga ako sa tibay ng kanyang kalooban,
Sa aking anak na si Maze, s'ya ay lumalaban.

Maxpein Zin Del Valle Moon,
Hindi uurong sa kahit anong hamon,
Kakaiba man ang kanyang katangian,
Bibilib ka sa kanyang katalinuhan.

Sa martial arts ako ang kanyang naging guro,
Hindi naman ako nahirapan sa pagtuturo,
Ilang beses man s'ya madapa at bumagsak,
Luha sa kanyang mata bibihira papatak.

Nagbunga ang kanyang paghihirap,
Natupad ang isa n'yang pangarap,
S'ya ang pinakamataas na rango ng emperyo,
Karangalan para sa nalagpasan mong sakripisyo.

Nag-iisang prinsesa ng aming pamilya,
Makilala s'ya nagdulot sa 'kin ng saya,
Bagong yugto na ng kanyang buhay,
Sina Deib at Maxspaun ang lalong nagpakulay.

My Poems For He's Into Her By: MaxinejijiWo Geschichten leben. Entdecke jetzt