NABIYAK (Maxpein )

212 5 0
                                    

S'ya ang pinakamamahal kong lolo,
Na nangangailangan ng pagsaklolo,
Sa isang kotse nila ito isinakay,
Mga Rewis masama ang pakay.

Kotse kung saan s'ya ay lulan ay pinasabog,
Puso ko lumakas ang pagkabog,
Lasog- lasog na ang kanyang katawan,
Mga Rewis ang tunay na may kagagawan.

Mundo ko unti-unting nagugunaw,
Nang s'ya ay tuluyang pumanaw,
Aming kapaligiran puno ng kalungkutan,
Mga kabutihan n'ya hindi malilimutan.

Chairman Moon na aking lolo,
Bihira s'ya makihalubilo,
Aking mga mata lihim na umiiyak,
Sa pagkawala mo, puso ko ay nabiyak.

My Poems For He's Into Her By: MaxinejijiWhere stories live. Discover now