MAXRILL

369 8 2
                                    

Si Maxpein ang nag-iisa kong noona,
Magkaiba ang pinagmulan naming ina,
Sabi ng iba wala s'ya kadisip-disiplina,
Pero sa kaangasan at kahambugan ay nauuna.

Sa kanya noon ako ay naglalambing,
Tuwina ninais ko s'ya makapiling,
Masaya ko pag tinupad n'ya aking hiling,
Sa pagsayaw at bilyar s'ya ay napakagaling.

Kami ay kanyang pinoprotektahan,
Nariyan palagi sa oras na kinakailangan,
Di bale s'ya ang nasa kapahamakan,
Masiguro lamang aming kaligtasan.

Bilib ako sa kanyang katapangan,
Isang kaibigan ding maaasahan,
Ate ko na walang kinatatakutan,
Pero kami ang isa n'yang kahinaan.

Natagpuan n'ya ang tunay na mamahalin,
Na lahat ng bagay kaya n'yang hamakin,
Kasama na n'ya si Deib at aming pamangkin,
Na namana ang kagwapuhan naming angkin.

My Poems For He's Into Her By: MaxinejijiWhere stories live. Discover now