HINAHANGAAN

170 2 0
                                    

Para sa 'kin iba lang talaga ang epekto,
Ng kanyang mga isinulat na kuwento,
Lahat tayo may kanya-kanyang talento,
Kaya kaibigan, magagawa mo rin ito.

Tayo ay may angking galing,
Lahat may nais na marating,
May mga damdaming naghihinaing,
Matupad ang pangarap isa sa ating hiling.

Hinahangaan ko si Miss Maxine Lat,
Marami na s'yang kuwentong naisulat,
Aminado di ko pa nababasa lahat,
Pero paghanga ko sa kanya ay tapat.

Lahat tayo, iba-iba ang pagkatao,
Ating mga hangarin puwedeng magbago,
Ngunit kailanman sa 'yo ay walang makakatalo,
Lalo pa kung ang ipapakita mo ay pagpapakatotoo.

My Poems For He's Into Her By: MaxinejijiWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu