ZAIMIN YAZ MARCHESSA

785 10 0
                                    

S'ya ay tinatawag ni Naih na "assumera",
Dati pa man kasi sila ay pinagkukumpara,
Minsan nga s'ya ay may pagkabungangera,
Ito ay matindi sa kanya kung mangbara.

Sa Laguna kapatid n'ya ay pinuntahan,
Si Deib Lohr ang una n'yang nagustuhan,
Sa kanya di yata ito nagandahan,
Pangungulit dito wala s'yang naasahan.

Zaimin Yaz Marchessa ang kanyang pangalan,
Kay Naih di s'ya papahuli sa galing sa kantahan,
May taglay din s'yang karisma at kagandahan,
Si Maxwell ay matagal na n'yang hinahangaan.

Hilig n'ya rin ang pagluluto,
Si Maxrill sa kanya rin natuto,
Si Maxpein ay kanyang kasundo,
Mga Del Valle binago ang kanyang mundo.

"So fetch" ang iyong madalas na maririnig,
Palagiang na n'ya itong bukambibig,
Lalo na pag s'ya ay masaya at kinikilig,
Si Maxrill s'ya yata ang unang pag-ibig.

My Poems For He's Into Her By: MaxinejijiOn viuen les histories. Descobreix ara