ATING MUNDO (More)

235 8 0
                                    

Masakit nawala na ang ating chairman,
Mahirap tanggapin kailanman,
Sa 'yong galit ikaw ay aking hinayaan,
Bilang iyong ama, alam ko na may sariling kapabayaan.

Ating mundo may sariling batas,
Pero ang pagpatay ay di nag-iisang lutas,
Kailangan na kitang patigilin,
Aking damdamin hirap akong pigilin.

Isang pana sa 'yo ay nagpatapos,
Iyong hininga ay nakapos,
Alam mong masakit sa akin bilang iyong ama,
Walang magawa, ang mga hukom ay aking kasama.

Sa iyong mga kamay dugo ay dumanak,
Sobrang nanghihina na ko anak,
Kamatayan ang sa iyo kanilang inihatol,
Wala kong lakas para tumutol.

Patawarin ako sa iyong naging kapalaran,
Dahil sa 'kin, sa hirap ka nakipagsapalaran,
Alam mo ayaw kitang mapahamak,
Pero ito ang mundong ating ginagalawan anak.

My Poems For He's Into Her By: MaxinejijiWhere stories live. Discover now