HE'S INTO HER

426 9 0
                                    


Bawat eksena ay sadyang  tumatak,
Ilang luha na ba sa aking mata ang  pumatak?
Sa puso ko nag-iwan  talaga ng pitak.

Kakaiba at nakakamahang kuwento,
Mapapaisip ka  talaga minu-minuto,
Ano na kaya susunod na mangyayari rito?

Hindi maalala kailan nga ba ko nahumaling?
Ang manunulat nito ay ubod ng galing,
Paningin ko sa binabasa lang nakabaling.

Lahat ng istorya ay nagtatapos,
Pero ito aking hinangaan ng lubos,
Sa aking puso't isip ay nakagapos.

Maaring balikan ang simula,
Mga aral na may paalala,
Sa pag-ibig ikaw ay maniwala.

Natapos man ang iyong mga kabanata,
Sa aking puso't damdamin palaging magugunita,
Mga pangyayari at aral na nagpamulat sa king mata.

Miss Max maraming salamat sa iyong kuwento,
Nagsara man tuluyan ang pinto nito,
Nag-iwan naman nang pangaral na ginto.

He's into her na kuwentong aking minahal,
Sa iba taas-noong kong  may itatanghal,
Miss Max sa'yo maraming nagmamahal.

My Poems For He's Into Her By: MaxinejijiWhere stories live. Discover now