CHAIRMAN ENRILE

288 1 0
                                    

Nasa linya ng kanilang pamilya ang maging doktor,
Kaya naman mahigpit s'ya lalo na kay Deib Lohr,
Laging pinapangaralan ang kanyang mga apo.
Samantalang itong si Deib nakatungo at nakaupo.

Sa kanyang tindig ay karespe-respeto,
Subalit isa ring taong naging masikreto,
Sa kanyang pamilya ay makapangyarihan,
Hangad n'ya na may mga matulungan.

S'ya si Chairman Enrile lolo na kinatatakutan ni Deib,
Kanyang buong pamilya minsan ay nanganib,
Sa tulong ng mga Moon at lalo ni Maxpein,
Buhay ng mga ito nagawa nilang sagipin.

My Poems For He's Into Her By: MaxinejijiWhere stories live. Discover now