DAMDAMIN (Yaz)

802 23 0
                                    

Ako ay isang ateng masayahin,
Kahit na ako ay madalas n'yang barahin,
Ako ay  isang kaibigang maaalahanin,
Darating pa kaya lalaking aking mamahalin.

Lalaking inibig aking kakalimutan,
Lahat aking binigay, pero nagawa kong  saktan.
Kuya ni Maxpein parati akong sinusungitan,
Gusto ko pa rin s'ya, kahit ako panay  sinisimangutan.

Sa akin s'ya ay naiingayan,
Pasimple aming  bangayan.
S'ya ay akin na ring tinatarayan,
Sumuko na kaya ko ng tuluyan.

Buti  pa si  Maxrill mabait,
Mata sa'kin hindi naniningkit.
Hindi tulad ni Maxwell na masungit,
Puso n'ya hirap akong  masungkit.

Ayoko na sa kanya dumikit,
Sa mata n'ya 'di ako kaakit-akit.
'Di ako nagbibiro totoong masakit,
Malapit na nga sa puso ko umukit.

Tipo yata n'ya ay  isang doktora,
Ano kaya kong  ikumpara?
Parati nga n'ya ko binabara,
Puso ko akin na muling isasara.

Bumalik na kaya ko sa amin,
May makamiss kaya sa'kin?
Hay huwag ko nang alamin,
Masasaktan lang aking damdamin.

My Poems For He's Into Her By: MaxinejijiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon