HAGDAN (First Date scene)

340 7 0
                                    

Maxpein feel be like

Suhestiyon ko tayo ay magtanungan,
Para tayo ay lalo pa magkakilanlan,
Isang sagot, isang hakbang,
Hanggang makaakyat sa huling baitang.

Tinanong natin ang mga bagay na ating paborito,
Pagkain na ating gustung-gusto,
Naging isang tanong at isang sagot,
Ang magsinungaling ay talagang lagot.

Ilang hakbang na tayo paitaas ng hagdan,
Di na itanong may pag-asa ba ika'y magustuhan,
Mukha mo napalitan na ng lungkot,
Sa aking magiging sagot, ika'y natatakot.

Sa huling tapak ko sa baitang ng hagdanan,
Aking sinabi ay hindi mo inaasahan,
Sa 'yo ako ay tuluyan nang umamin,
Na ikaw ay may puwang na sa aking damdamin.

Naglatag ako ng aking  magiging patakaran,
Na ikaw ay di maaring masaktan sa kahit anong paraan,
Ikaw ay nakangiti sa akin habang nakikinig,
Hanggang sa niyakap mo ko sa sobrang kilig.

Ikaw ay di napigilan ang pag-iyak,
Niyakap ako sa sobra mong pagkagalak,
Natutuwa ka sa aking mga mayabang na banat,
Makilala ka ay isa sa aking pinasasalamat.

My Poems For He's Into Her By: MaxinejijiWhere stories live. Discover now