WALANG KAHAMBING (Deib )

221 5 0
                                    

Akala ko, ako'y namamalik-mata,
Pero ikaw na talaga aking nakikita,
Hindi pa ko handang ikaw ay kausapin,
Pinipigilan ang aking sarili na ikaw ay yakapin.

Taon-taon kita hinintay,
Sa wala lang ako nag-antay,
Pero ngayon ikaw akin ng kaharap,
Na noon akin lamang pinapangarap.

Gabi-gabi ako noon lumuluha,
Humihiling na sana maghimala,
Na ikaw ay mabuhay,
Ngayon mundo ko ulit ay nagkakulay.

Pagmasdan ka muli aking gagawin,
Puso ko hindi nila kayang nakawin,
Nilalaman nito ay ikaw pa rin,
Totoo n'yan di kita kayang tiisin.

Gusto ko ikaw naman ang maglambing,
Na mangako di na aalis sa king piling,
Tinupad mo ang aking hiling,
Pagmamahalan natin walang kahambing.

My Poems For He's Into Her By: MaxinejijiWhere stories live. Discover now