MINSA'Y NAGMAHALAN (Maxpein feels)

765 21 0
                                    

Sa pag-ibig ko ikaw ba'y nanawa?
Kaya ang titigan ako, ngayo'y 'di mo  na magawa.
Anong  saysay pa na magmakaawa?

Sa piling n'ya ika'y masaya,
Sana nga lang,iyong sarili'y 'di dinadaya,
Pagka't ako'y tuluyan nang magpaparaya.

Dati-rati'y ako ang pinapangarap,
Ngayo'y tila ayaw mo  na kong  kaharap,
Mata mo'y iyo nang kusang ikurap.

Siguro dapat na kitang pakawalan,
Kahit paghinga tila unti-unti na kong  nawawalan,
Salamat pa rin,at tayo'y minsa'y nagmahalan.

My Poems For He's Into Her By: MaxinejijiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon