KEZIAH AND YAZ

684 11 0
                                    


Sina Keziah at Yaz,
Sila ay mga dalagang hiyas.
Kay Maxwell sila ay may pagtingin,
Binatang kayhirap paibigin.

Yaz na magandang dilag,
Sa pag-ibig minsan ay nagpabulag.
Sa hamon matapang na humaharap,
Masungkit kaya pag-ibig na pangarap.

Keziah isang dalagang humahanga,
Nangangarap na sana ay s'ya na nga.
Kolehiyo pa lamang mayroon ng sinisinta,
Mapapansin na kaya s'ya ng binata.

Maxwell na binatang mailap,
Mata n'ya sino tunay na hinahagilap.
S'ya ba ay may lihim ng iniibig,
Handa na nga ba s'yang umibig?

My Poems For He's Into Her By: MaxinejijiWhere stories live. Discover now