BALIKAN

364 5 0
                                    

Ating masayang balikan,
Ang kabanata ng kanilang pag-iibigan,
Unang araw ng pasukan at umuulan,
Sa hallway sila ay nagkatinginan,
Sa isang iglap ay nagkapatiran.
Isang suntok ang kanyang pinakawalan.

Umusbong ang galit sa kanya,
Walang sinuman na s'ya ay binangga,
Sumakit kasi ang kanyang panga,
Babaeng ito, s'ya ay kinaya,
Hindi s'ya nito kilala,
Sa campus na iyon sila ay tinitingala.

S'ya nga ba ay nakatagpo ng katapat,
Si Lee ang kanilang taga awat,
Pinagtitinginan na sila ng lahat,
Babaeng walang emosyon nasa kanilang tapat,
Kanyang mukha muntik na kasi magkalamat,
S'ya pa raw nagpigil kaya magpasalamat.

Hindi n'ya matanggap kaya sa canteen, s'ya ay gumanti,
Transferee hawak ang tray na may lamang spaghetti,
Walang katumbas ang kanyang pagkakangiti,
Ekspresyon ng mukha nito ay nanggagalaiti,
Maxpein nagpipigil pa, s'ya ay gaganti,
Ito ang nagsisimulang kwento nilang away -bati.

Deib lohr tila hindi nasisiyahan,
Humahanap ng kaguluhan,
Laman ng isip ay kalokohan,
Pati sarili hindi na maintindihan,
Ayaw n'ya kasing na iisahan,
Walang humpay ang gantihan,
Tila silang dalawa ay nagpapaligsahan.

Mga schoolmate nila ay nakigulo,
S'ya ay takot mabuko ng kanyang lolo,
Tob at Lee naging kanyang taga saklolo,
Mga tagalabas sila binubog ng todo,
Dumating si Maxpein na nakamotorsiklo,
Mga kalaban bugbog sarado at sabay takbo.



My Poems For He's Into Her By: MaxinejijiWhere stories live. Discover now