DI KITA PAPALITAN (Deib)

220 5 0
                                    

Madalas na ko maguluhan sa aking nararamdaman,
Kung na saan ka nais ko palagi malaman,
Hindi ako mapakali kapag di kita nakikita,
Hinahanap ka sa paligid ng aking mga mata.

Natatagpuan ang sarili na nais sundan ka,
Na pati sa king sarili, ako ay nagtataka,
Gusto kitang lumalaban at naglalaro,
Seryoso ako at hindi nagbibiro.

Ayoko may ibang lumalapit sa 'yo,
Sa aking paningin ayaw kitang nalalayo,
Kapag wala ka, ako'y labis na nanghihina,
Sana nararamdaman mo sa kanya ay wala na.

Naaasar ako kapag may kasama kang iba,
Kapag kaharap naman kita, abot-abot aking kaba,
Sa 'yong kalagayan labis labis aking pag-aalala,
Nagugustuhan na kita, hindi ko na makaila.

Pag pinapanood mo ko, ako ay sumisigla,
Nanghihina kapag ikaw naman ay wala,
Kapag kasama mo si Randall nais kong magwala,
Nararamdaman kong selos ay lumalala.

Ayokong lumuluha ka pa nang dahil sa kanya,
Ang makitang nasasaktan ka ay di ko kaya,
Nang makaalis sila ay sinundan kita,
Sa tapat ng ospital, tinanong mo ko kung gusto kita.

Nagulat ako, ngunit umamin na ko,
Akala mo yata ako ay nagloloko,
Ilang beses ko itong pinigilan,
Sa 'yo meron na kong nararamdaman.

Hindi ka nakaimik sa akin nakatitig,
Tanging pintig ng puso ang aking naririnig,
Umamin akong gusto na kita,
Kaya may kasama kang iba ayaw kong makikita.

Lalong -lalo na kapag si Randall pa,
Dibdib ko kasi parang sinisipa,
Hindi ko alam, hindi ko alam kung paano,
Tanging alam ko nagustuhan kita ng walang anu-ano.

Mahirap naman talagang paniwalaan,
Sana ako naman ay iyong pagkatiwalaan,
S'ya rin ay magagawa mong kalimutan,
Sapagkat sa puso ko, di kita papalitan.

My Poems For He's Into Her By: MaxinejijiWhere stories live. Discover now