BJ AND MIGZ

434 6 0
                                    

Nakikilala ninyo ba kaming dalawa?
Pag kami ay magkasama hahalgapak kayo sa pagtawa.
Sa aming barkada kami ang nagbibigay saya,
Pero si Maxpein kahit buhay handang itaya.

Hindi man siya palakibo,
Pero siya ay napakabibo.
Kanyang talino nakakabilib,
Hirap nga kami makapag adlib.

Masayahin kaming kaibigan,
Sa kantahan hindi namin kayo uurungan.
Si Maxpein ilang beses kami pinaiyak,
Kaya si Deib halos puso ay mabiyak.

Napakaswerte namin kahit iiba ang kanyang mundo,
Pamilya niya aming nakasundo.
Sila man ay napakayaman,
Wala silang pinagdadamutan.

Maxpein at Deib kakaiba kanilang pag-iibigan,
Dahil lamang sa paraan ng tinginan nagkapatiran,
Si Deib muling umiral pagiging isip-bata,
Maxpein mahirap basahin ang emosyon ng mata.

Pagmamahalan nila maraming dinanas,
Nariyan mayroon gumamit ng dahas,
Sa kanilang kasalan pigil aming tili,
Masaya kami dahil sila pa rin hanggang huli.

My Poems For He's Into Her By: MaxinejijiWhere stories live. Discover now