BULLY

321 2 0
                                    

Deib feel be like

Sa pagiging bully ako ay nakilala,
Bagay na di ko naman kinakaila,
Hanggang sa isang maulan na umaga,
Isang babae ang aking pinatid at nakabangga.

Hindi ko gusto klase ng kanyang tingin,
Maangas s'ya kung ako inyong tatanungin,
Ang lakas ng loob n'ya na ako'y sapakin,
Lahat ng naroon ay nanonood sa amin.

S'ya ay palaban sa lahat ng aking naging target,
Tingin n'ya sa akin noon ay di ko maforget,
Ang ugali n'ya ay lalong hindi ko naman maget,
Tila sa pagitan namin dalawa ay mayroong magnet.

Sarili ko noon ay di ko maintindihan,
Naging mas lapitin ako nang kaguluhan,
S'ya ay susulpot at ako ay tutulungan,
Na walang bahid ng anumang pag-aalinlangan.

Kami ay malapit sa isa't isa kapag nasasaktan,
May mga pangyayari hirap kaming kalimutan,
S'ya ay nakilala ko na rin ng lubusan,
Sakit sa aking puso ay kanyang inibsan.

Damdamin ko sa kanya ay nahulog,
Iniisip ko s'ya hanggang sa makatulog,
S'ya ay isang astig at may pagkahambog,
Lalabanan ka na walang kaabog-abog.

Maxpein Zin ang kanyang pangalan,
Misteryoso ang pamilyang pinagmulan,
Babaeng may taglay na kahambugan,
Katangian n'yang di basta madadaigan.

Ako ang bully na hinahabol ng puso,
Sensui na tinarget ang hambog na si Taguro,
Na sa kanya ay di napigilan na magkagusto,
Ngayon ay nagmamahal sa kanya ng husto.

My Poems For He's Into Her By: MaxinejijiWhere stories live. Discover now