TULUYAN NA BANG TAPOS (Deib)

184 5 0
                                    

Isang lapit mo pa sa kanya malaya ka na,
Akala ko pagmamahal mo sa kanya ay wala na.
Pinanindigan ko ang aking linya,
Ikaw ay akin nang tuluyang pinalaya.

Nakipaglapit ako muli kay Kimeniah,
Noong aking kaarawan ika'y aking pinahiya,
Marami na naman sa 'yo ang nangutya,
Ikaw ay lumayo at saka kusang nagparaya.

Dumalo ka kahit na may sakit,
Hindi ko masabi,totoo kong hinanakit,
S'ya pa rin ba hindi mo maipagpalit,
Umusbong sa puso ko ang galit.

Aking nalaman ang katotohanan,
Sana ating relasyon di ganito ang kinahinatnan,
Nakatulala kong pinagmamasdan,
Ang mga nilakaran mong daan.

Bakit nga ba, hindi kita pinatapos?
Heto na naman ako padalos-dalos,
Ating relasyon tuluyan na bang tapos?
Aking puso para ng hinahambalos.

My Poems For He's Into Her By: MaxinejijiWhere stories live. Discover now