HEURT

271 8 0
                                    

Ako ang tunay na ina ng nag-iisang Maxpein,
Ngunit di ko naranasan mapalitan s'ya ng lampin,
Sa kalungkutan matagal kaming nagpaalipin.

S'ya ang isang bagay na nabuo sa aming pagmamahalan,
Na hindi ko pinagsisihan kailanman,
Sadyang mapagbiro lang talaga ating kapalaran.

Marami akong nasayang na sandali,
Pero sa desisyon wala akong karapatan pumili,
Pagmamahal ko para sa kanya ang s'yang nanatili.

Lumaki s'ya sa piling ng kanyang ama,
Ninais ko man noon s'ya ay makasama,
Akala n'ya tuloy ako ay isang masama.

Hangang-hanga ako sa kanyang lakas ng kalooban,
Masakit man, di ko s'ya noon nagawang ipaglaban,
Namana naman n'ya sa 'kin ang galing sa pakikipaglaban.

Humantong kami sa bagay na aming kinatatakutan,
Na s'ya ay bigyan ng matinding kaparusahan,
Masakit di ko man lang s'ya matulungan.

Masaya ko at hindi na tuloy ang kanyang parusa,
Maxpein ang aking  anak na nag-iisa,
Nalagpasan n'ya ang hirap at pagdurusa.

Ngayon s'ya ay bumubuo na ng pangarap,
Kasama si Deib at Maxspaun sa pagharap,
Malalagpasan nila lahat ng klase ng hirap.

My Poems For He's Into Her By: MaxinejijiWhere stories live. Discover now