KIMENIAH SIRVEY GOZON

413 7 0
                                    

Isang babae na mahinhin at matalino,
Si Deib Lohr sa kanya nabighani ng todo,
Naghintay at nagmahal sa kanya ng totoo,
Subalit sa ibang lalaki tumibok ang kanyang  puso.

Sa buong eskuwela s'ya ay hinahangaan,
Mga kababaihan s'ya ay kinaiinggitan,
Ayaw n'ya sa ilang bagay na hihigitan,
Si Maxpein ay kanya rin kinainisan.

Si Randall daw ang kanyang lalaking tipo,
Dahil sa bulag na pag-ibig nagawang magloko,
Ginawa n'ya ang lahat makuha lang ang gusto,
Sinaktan n'ya si Deib, muntik madurog ang puso.

Di naglaon s'ya rin ay ganap na natauhan,
Lalaking mahal n'ya pala ay kanyang nasaktan,
Ang nagawa n'ya ay di nito agad nalimutan,
Sila rin ay naging malapit na magkaibigan.

S'ya ay si Kimeniah Sirvey Gozon,
Na niligawan ni Deib Lohr ng taon,
Sa nangyari nakangiting bumangon,
Mga puso nila ay hinilom na ng panahon.

My Poems For He's Into Her By: MaxinejijiWhere stories live. Discover now