ATING SIMULA (tagsen)

4.3K 82 0
                                    

'Di maganda ang ating simula,
Pagkatao mo'y tila nakahawla.
Ang mahalin ka parang himala,
Pero ngayon ayaw kang mawala.

Bawat paglipat ko ng pahina,
Mukha mo pa rin nakikita tuwina.
Ayoko ngayon pa manghina,
Silayan natin buhay na nakakahalina.

Dahon na nalalanta,
'Di palaging bata.
Lumalabo rin ating mga mata,
Nauutal na rin sa pagsasalita.

Iba-iba kanilang dinidikta,
'Di ko makuha kanilang pananalita.
Sigurado ko lamang minamahal kita,
Naaalala ko pa una nating pagkikita.

My Poems For He's Into Her By: MaxinejijiWhere stories live. Discover now